Pumunta sa nilalaman

Panfilo Lacson

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Panfilo Lacson
Senador ng Pilipinas
Nasa puwesto
30 Hunyo 2016 – 30 Hunyo 2022
Nasa puwesto
30 Hunyo 2001 – 30 Hunyo 2013
Pangkalahatang Tagapamahala ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas
Nasa puwesto
16 Nobyembre 1999 – 20 Enero 2001
Nakaraang sinundanEdmundo L. Larroza
Sinundan niLeandro Mendoza
Kawaning Pampangulo para pagpapanibagong-ayos at Pagkabawi (OPARR)
Nasa puwesto
10 Disyembre 2013 – 10 Pebrero 2015
Personal na detalye
Isinilang
Panfilo Morena Lacson

(1948-06-01) 1 Hunyo 1948 (edad 76)
Imus, Cavite, Pilipinas
KabansaanPilipino
Partidong pampolitikaIndependiente (2004-2007; 2007-2013; 2016-)
UNO (2007)
LDP (2001-2004)
AsawaAlice de Perio
AnakReginald
Ronald Jay
Panfilo Jr.
Jeric
Alma materPamantasan ng Lungsod ng Maynila
Lyceum of the Philippines University
Akademya Militar ng Pilipinas
TrabahoSenador
Websitiowww.pinglacson.net
Serbisyo sa militar
Katapatan Republika ng Pilipinas
RanggoPangkalahatang Tagapamahala ng PNP

Si Panfilo "Ping" Morena Lacson, Sr. ay isang politiko sa Pilipinas. Naging senador siya mula 2001 hanggang 2013 at mula 2016 hanggang 2022. Siya ang Direktor Heneral ng Philippine National Police (PNP) mula 1999 hanggang 2001, at naging kandidato noong 2004 at 2022 na halalan sa pagkapangulo ng Pilipinas.[1][2]

Sa kanyang panunungkulan bilang hepe ng PNP, nakilala siya sa pagsasagawa ng iba't ibang reporma sa loob ng organisasyon. Ang kanyang mataas na approval rating at high-profile na anti-corruption campaign ay naging daan para sa kanyang bid sa Senado noong 2001, kung saan nanalo siya at pumuwesto sa ika-sampu sa halalan. Tumakbo siya para sa pagkapangulo noong 2004, ngunit natalo kahit na nagpatuloy siya sa paglilingkod bilang senador hanggang 2007. Nanalo siya ng anim na taong termino noong 2007.

Pagkatapos ng kanyang unang dalawang termino sa Senado, si Lacson ay itinalaga ng noo'y Presidente Benigno Aquino III bilang Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery noong Disyembre 2013. Pinamunuan niya ang mga pagsisikap sa pamamahala at rehabilitasyon ng mga sentral na lalawigan sa Pilipinas na naapektuhan ng Bagyong Yolanda.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Panfilo Lacson Resume on Senate Website". Senate of the Republic of the Philippines. Nakuha noong Abril 6, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Final, official tally: Marcos, Duterte on top with over 31M votes each". Manila Bulletin. 25 Mayo 2022. Nakuha noong 26 Mayo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. [blogs.wsj.com/searealtime/2013/12/02/philippines-aquino-appoints-past-senator-to-helm-typhoon-rehab/ Wall Streel Journal, Philippines' Aquino Appoints Past Senator to Helm Typhoon Rehab]


PilipinasPolitiko Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.